Vice: Dapat seryosohin ang isyu ng suicide sa kabataan!

VICE GANDA

VICE GANDA

Nag-explain si Vice Ganda tungkol sa kanyang #NoToSuicide Instagram post kamakailan. Kasama pa niya si Angeline Quinto sa larawang ipinost niya.

Ito’y matapos ngayong magpakamatay ang anak nina Nonie at Shamaine Buencamino na si Julia Louise two weeks ago.

In an interview, Vice said, “Kasi hindi naman kami palaging magkasama ni Angeline. Pero tuwing magkasama kami, we make it a point na maganda yung moment na pagsasaluhan, talagang nagba-bond kami, hindi lang yung parang nagkikita lang sandali.”

“Nakakatuwa lang, kasi Angeline trusts me so much. Ako din, maraming mga bagay na ipinagkatiwala ko sa kanya. Naa-apreciate ko yun. Noong mga panahong yun, ang daming issue tungkol sa suicide, mga issues concerning bagets.

“Kaya nu’ng panahon na yun na nag-post ako sa Instagram, I just felt na parang dapat naa-address yung mga ganu’ng issues sa mga kabataan—yung kahalagahan ng pagkakaibigan, kahalagahan na puwede kang pagkatiwalaan ng iyong kaibigan.”

Read more...