Koreano nag-suicide sa resort

dalaguete
Natagpuang patay ang Korean national sa loob ng tinutuluyang silid sa isang kilalang resort sa Dalaguete, Cebu, kamakalawa (Miyerkules) ng gabi matapos umanong mag-suicide, ayon sa pulisya.

Wala nang buhay ang 46-anyos na Koreano nang matagpuan dakong alas-7:30, sabi ni Superintendent Renato Dugan, tagapagsalita ng Central Visayas regional police.

Nadiskubre ng isang security guard ang bangkay ng banyaga sa loob ng Room 12 ng Ocean Bay Resort, na nasa Sitio Guiwanon, Brgy. Poblacion.

Pinaniniwalaang nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pag-“suffocate” sa sarili, ani Dugan.

“(The Korean) allegedly committed suicide by suffocating himself by burning charcoal and sealing ways where air can possibly get out,” ani Dugan.

Nakita pa umano ng nakadiskubre ang packing tape na pinang-selyo sa pinto ng inupahang silid ng Koreano.

Read more...