‘Fashion show’ sa SONA pinuna

sona-senators-300x164
Umapela kahapon ang isang labor group sa mga mambabatas at kanilang mga misis na magsuot ng simpleng damit sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Aquino sa Lunes.
Ayon kay Gerard Seno, executive vice president ng Associated Labor Union, hindi pupunta ang mga mambabatas at kanilang misis sa isang fashion show at ang mahalaga nilang gawin ay makinig sa sasabihin ng Pangulo.
“First of all, the SONA is not a fashion show. Second, working people feel it is illogical and unethical for our lawmakers to parade in the halls of congress wearing costly, extravagant clothes during the SONA when millions of their constituent Filipinos are languishing in hunger and poverty,” ani Seno.
Kung si Trade Union Congress of the Philippines spokesman Alan Tanjusay ang tatanungin dapat ay magkaroon ng komite na magtatakda ng maaaring isuot sa SONA upang maging simple lamang ito.
“The focus of the SONA is the state of well-being of tax-paying Filipino people not the expensive clothes our solons are wearing. The essence of the gathering is not to showcase their brand new and top of the line SUVs. The center of the SONA is the people, the ordinary working people who will listen to the report of the president and validate his direction for the incoming year,” dagdag pa ni Tanjusay.
Pinuna rin ni Tanjusay ang P700 kada ulo na pagkain sa SONA na mas mataas pa umano sa P481 minimum daily wage sa Metro Manila.

Read more...