Kalat na: Desisyon ni Pacman na ilipat ng school ang mga anak may bahid Politika

manny pacquiao

Kahanga-hanga din ang pamilya Pacquiao, ha.

Hindi kaya biro ang desisyon nina Manny at Jinkee na ilipat ang kanilang mga anak mula sa isang exclusive international school papunta sa isang simple pero nirerespetong school sa kanilang probinsya.

Nakakabilib ang kanilang ginawa at hindi lang kami ang humahanga ngayon sa kanila kundi halos buong bansa. Kung tutuusin nga sa estado nila ngayon ay kering-keri nilang pag-aralin abroad ang kanilang mga anak, pero dahil feel daw ng mag-asawa na maranasan ng mga bata ang kasimplehan ng probinsya at maugat ng mga ito ang kanilang kultura, ipapa-experience nga nila ito sa pamamagitan ng pagtira at pag-aaral doon.

Pero siyempre, kung may pumupuri sa mag-asawang Pacquiao, meron ding nangnenega sa kanila. May nagsasabi kasi na isang malaking “palabas” lang daw ang lahat dahil may balak ngang tumakbo sa mas mataas na posisyon si Manny sa 2016 elections.

At isang senyales nga raw ang “pagpapakumbaba” nito sa harap ng madlang pipol by transferring his sons to another school.

May chika na tatakbo ring vice-president si Manny sa 2016. Hay naku, meron at meron pa rin talagang masasabi ang ibang tao kahit maganda na ang ginagawa mo.

Read more...