MARAMI ang nabubuwisit diumano kay John Lloyd Cruz dahil sa pagpapakita niya ng pagkapikon sa mga opinyon ng mga tao tungkol sa status ng relasyon nila ni Angelica Panganiban.
No, hindi dahil sa ayaw nila kay John Lloyd for Angelica pero dahil sa mga naging pahayag daw ni John Lloyd nang tanungin ng press regarding their real status.
Pati raw publiko ay nainsulto sa naging sagot ni John Lloyd.
Masyado raw malakas ang naging dating ng pagkasabi ni Lloydie na huwag sanang makialam ang mga tao sa pribado nilang buhay dahil wala naman daw alam ang mga ito.
Naiinis na raw siya sa mga opinyon ng marami.
“Bakit siya magagalit e, celebrity siya? Natural na magtatanong ang mga fans o followers nila kung ano ba talaga.
Di ba’t sila naman ang naglabas sa Instagram ng kiyemeng pictures nila together at mga salitang masaya sila sa piling ng isa’t isa?
“Kaya ang mga tao, siyempre naku-curious kaya nagtatanong and since paligoy-ligoy naman ang mga sagot nila na halatang nagpapakilig lang naman o nagdedenay echos, gumagawa na lang ng iba’t ibang theory ang mga tao ayon sa nakikita nila.
Kaya huwag siyang magalit o mapikon.
“Kung hindi dahil sa mga fans nila, sa palagay ba nila ay mararating nila ang kung anumang narating nila ngayon?
Marunong na silang mapikon kasi sikat na sila samantalang nu’ng bago pa lang sila, kahit anong gimik ay gagawin nila para mapag-usapan.
Parang mali naman yata si John Lloyd,” mahabang reaksiyon ng isang dating fan.
“Nagagalit daw siya dahil nataon daw sa promo nila ng ‘The Mistress’ at si Bea Alonzo raw ang leading lady niya rito at hindi si Angelica.
Ano naman ang pakialam namin sa promo ng movie nila, e, sila itong nagpapakita ng sweetness sa public.
Tulad nu’ng Star Magic Ball, nakita silang magka-holding hands na lumalabas sa Makati Shang.
Bakit siya magagalit kung napag-usapan iyon. Sila itong mga sinungaling ‘tapos pag nasusukol nagagalit.
“Mas mabuti pa sigurong huwag na lang natin siyang suportahan, ang yabang naman niya,” sabi ng isang lalong nagalit sa reaskiyon ni Lloydie.
“Ano kami, sunud-sunuran kung ano ang sasabihin niya?
Kung kailan ang schedule ng pag-amin at pagsasalita niya ang dapat naming sundin? Bakit?
Pera ba niya ang ibinabayad namin sa sinehan para suportahan siya?
Puwes, magmula ngayon, hindi na namin siya susuportahan kung nagagalit pala siyang nagtatanong kami at gumagawa ng sarili naming opinyon dahil na rin sa pagmamalinis niya.
“Hindi na nga kami nagri-react pag may nababasa kami kung paano siya buhatin sa pagkalango pag nalalasing siya.
Huwag niya kaming galitin at baka pulutin siya sa kangkungan one day.
Oo, nandoon na kami, magaling siyang umarte pero huwag niya kaming pakialaman kung ano ang gusto naming isipin.
Kasi nga, matagal na silang nagsisinungaling ni Angelica, obvious namang magdyowa sila pero pilit nilang itinatanggi dahil nahihiya sigurong mabuko nina Derek at Shaina ang katotohanan.
Ang yayabang!” ang galit na galit namang pahayag ng hindi naman niya detractor pero ayaw na siyang hangaan.
Napakarami naming nakausap regarding this and in a way sang-ayon naman kami.
Sabi namin sa kanila, in fairness naman kay Lloydie ay mabait naman ito at matalino.
Baka bad hair day lang kaya nakapagsalita siya ng hindi maganda.
Kumbaga, ako na mismo ang nanghingi ng pang-unawa sa kanila on behalf of John Lloyd.
Pero ang tanong nga sa amin, when does a celebrity becomes public and when does one becomes private, aber?
Sa mababaw naming pananaliksik, sa aking interpretasyon, a celebrity always become public sa oras na lumabas siya ng bahay niya at nakikita ng publiko.
On any given occasion, ang artista is always public pag nakikilala ng isang outsider.
He only becomes private at the four corners ng kanyang bedroom.
Kung anuman ang nakikita sa kanya in public ay normal na napag-uusapan kaya doon na pumapasok ang usapin ng pagiging careful sa moves at pananalita because that would reflect on their persona.
Nasusulat sila ayon sa kanilang projection sa public places na napupuntahan nila.
Kahit sa loob pa ng simbahan, a celebrity is always public kasi nga may ibang taong nakakakilala sa kanya kaya dapat ay behave siya para di siya mapulaan.
Pero kapag ang mga personal niyang ginagawa sa loob ng kanyang kuwarto ang isinulat lalo na yung mga below the belt, aba’y ibang usapan iyan, that’s very private and malicious.
Iyon ang pagkakaintindi ko.
Very logical lang naman and self-explanatory, di ba?
Kaya sana ay maunawaan din ni Lloydie kung bakit nagagalit ang mga fans sa mga nasabi niya.
Paalala lang sa mga celebrities, trabaho n’yo ang pagiging artista kaya huwag kayong pikon pag may mga naisusulat about you guys na hindi laging pabor sa inyo dahil ito ay bunga lamang ng nakikita ng press about you.
Unless fabricated ang naisusulat, ibang usapan naman din iyon.
Pero sa nakikita namin at nasasaksihan, we don’t see anything wrong sa mga nasusulat ngayon against John Lloyd, kasi nga, halata namang sila na ni Angelica.
Pinapaikot lang nila ang press at ang mga tao.
At hindi lahat ng writers ay publicists mo, Lloydie.