8 patay; P300M pinsala ng habagat sa Region 1 – OCD

pangasinan
Umabot na sa walo katao ang nasawi habang mahigit P300 milyon halaga ng pinsala ang naitala dahil sa mga insidenteng dulot ng habagat sa Ilocos region, ayon sa mga awtoridad kahapon.

Marami ang nasawi dahil sa pagkalunod sa baha at mga umapaw na ilog, habang may isang nasawi sa landslide at atake sa puso, sabi ni Melchito Castro, direktor ng Office of Civil Defense-1.

Kahapon ay nawawala pa ang 60-anyos na si Violeta Corpus, na diumano’y nalunod habang nangunguha ng kangkong sa Solsona, Ilocos Norte, sabi ni Castro sa kanyang ulat.

Naapektuhan ng mga pagbahang dulot ng habagat ang 247,937 katao sa Pangasinan at Ilocos Sur, aniya.

Libu-libo ang nagsilikas, pero kahapon ay 270 katao na lang ang nasa evacuation center, ayon kay Castro.

Nakapagtala ng inisyal na P293.93 milyon halaga ng pinsala sa imprastruktura, habang P11.32 milyon ang naitalang pinsala sa mga pananim at P31.746 milyon ang halaga ng pinsalang dulot sa mga palaisdaan, ayon sa opisyal.

Read more...