Jinggoy pinayagang dumalaw sa biyenan

jinggoy estrada
Pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division si Sen. Jinggoy Estrada na makadalaw sa kanyang biyenan na nasa ospital ngayon.
Ayon sa dalawang pahinang desisyon ng korte, si Estrada ay maaaring lumabas ng kanyang selda sa PNP Custodial Center sa Camp Crame alas-9 ng umaga.
Maaari manatili sa Intensive Care Unit ng St. Luke’s Medical Center si Estrada hanggang alas-12 ng tanghali.
Na-stroke ang biyenan ni Estrada na si Estelita Vitug, ina ni Precy.
Muli namang ipinaalala ng korte na hindi maaaring gumamit ng anumang communication equipment si Estrada.

Read more...