HINARANG ngayong Miyerkules ang singer na si Chris Brown habang papaalis sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) matapos ang concert sa Mall of Asia Arena noong Martes.
Pinigil si Brown habang papasakay ng isang chartered jet ganap na alas-1 ng hapon matapos ang ipinalabas na lookout order ng Department of Justice (DOJ).
Sinampahan si Brown ng reklamo kaugnay ng breach of contract kaugnay naman ng hindi pagsipot sa kanyang concert sa Philippine Arena sa Bulacan noong isang taon. Inquirer
MOST READ
LATEST STORIES