Speaking of Julie Anne San Jose, grabe na ang kapayatan ngayon ng Kapuso singer-actress. Feeling namin, magkasing-payat na sila ngayon ni Kim Chiu.
Ang chika ng dalaga, tuloy-tuloy daw kasi ang ginagawa niyang exercise, she’s into sports din – adik na adik daw siya ngayon sa pagba-bike na effective way sa kanya ng pagbabawas ng timbang.
Hindi rin daw niya ginugutom ang sarili niya, sa katunayan, kinakain pa rin niya ang gusto niyang kainin. Wala raw siyang strict diet ngayon dahil marami siyang trabaho.
Mahirap daw kasi yung mag-work ka ng gutom, baka sa ospital na siya pulutin. Anyway, challenging ang role ni Julie Anne sa Buena Familia kung saan gaganap siyang anak nina Bobby Andrews at Angelu de Leon.
Marami raw siyang drama moments dito kaya talagang kinakarir niya ang bawat eksenang ipinagagawa sa kanya.
Makakasama rin nila sa serye sina Kylie Padilla at Martin del Rosario, ang bagong loveteam na ibebenta ng GMA na inulan ng tukso during the Buena Familia presscon. Inamin mismo ni Martin sa harapan ni Kylie na crush na crush niya ang anak ni Robin Padilla.
Nandito rin sina Sheryl Cruz, Aicelle Santos na magiging kontrabida sa buhay ni Julie Anne bilang diva-divahang singer, Mona Louise Rey, Julian Trono, Jackie Rice, Ryza Cenon, Mayton Eugenio, Mel Kimura, Lou Sison at Ms. Tessie Tomas.
Ito ay sa direksiyon ni Gil Tejada Jr., at magsisimula na sa darating na July 28, Martes (Lunes kasi ang SONA ng Pangulong Noynoy) after The Half Sisters sa GMA Afternoon Prime.