Horoscope, July 21, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Anoman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag guluhin ang isipan sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang isip, mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 3, 18, 27, 31, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Blue at orange ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Kikita ng malaking halaga kung lalagyan ng landi at lambing ang pakikipag-usap sa mga kliyente. Sa pag-ibig, lambingin ang minamahal, i-kiss mo siya sa neck at batok. Mapalad ang 1, 10, 28, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ubur-Minna-Absin-Om”. Red at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Kung muli kang magpapaganda, mas madaling maakit ang salapi at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, konting wisik lang ng pabango matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Violet at apple green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa pag-ibig, iukol ng buong-buo sa kasuyo ang iyong atensyon, upang higit kang lumigaya. Sa negosyo kung mag co-concentrate ka lang sa iisang produkto o iisang kalakal mayaman ka na sa na ngayon.Mapalad ang 5, 14, 29, 34, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Factum-Pulcrum-Dominum.” Blue at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Maraming naiingit sayo. Darating ang panahong iisa lang ang magiging kakampi mo – ang kasuyong Scorpio. Sa pinansyal, pagiipon parin ng salapi ang dapat na ipriority. Mapalad ang 7, 14, 23, 28, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Red at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Kakampi mo ang araw. Habang sumisikat ang araw, humarap sa silangan, at usaling isa-isa ang mga nais mangyari sa buhay. Sa sandaling nagawa mo yan sa loob ng 41 days, – ang lahat ng mga pangarap ay kusa nang matutupad. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Dosya-Om.” Orange at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Kailangang sumiksik sa kukote mo ang pagiging materyoso. Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suwestyon ng minamahal. Oohan mo lang siya ng oohan upang patuloy kayong magkasundo at lumigaya. Mapalad ang 5, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padme-Purana-Om.” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Mentras gumaganda ang hubog ng katawan, mas maraming salapi at dagdag pang suwerte ang kusang maaakit. Sa pag-ibig, malambot at sexy katawan ang magiging puhunan upang mapaligaya ang minamahal. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Om”. Pink at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Panahon na upang mag hanap ng matalinong tao na makakatulong sayong negosyo. Sa pakikipag-relasyon, kahit kapos sa talino, magiging mapalad ka sa pag-ibig kung sa isang Virgo makikipagrelasyon. Mapalad 6, 14, 23, 41, 44, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhipana-Bodhana-Om.” Green at white ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Piliting sumunod sa kabutihang asal upang lalo sumagana ang kabuhayan. Sa pag-ibig, mas masarap ang romansa kung pananatiliin ang katapatan sa kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 15, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit.” Red at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Ituloy ang binabalak na negosyong buy and sell ng palay at bigas upang tuloy-tuloy ng umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig panahon na upang muling pag-alabin ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 4, 8, 28, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Yellow at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag awayin ang kasuyo, baka ang mangyari, marami ka ngang pera, wala namang nagmamahal sayo at pagkatapos, iiyak-iyak ka. Bukod sa salapi, dapat ding bigyang oras at panahon ang minamahal. Mapalad ang 4, 13, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nameh-Om.” Lilac at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Simulan na ang pag-aaplay sa abroad sapagkat panahon na upang ikaw ay makapangibang bansa. Sa pag-ibig, okey lang na iwanan muna ang kasuyo, kung ang kapalit naman nito ay ang pag-unlad ng inyong kabuhayan. Mapalad ang 7, 16, 26, 34, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Arjuna-Om.” Maroon at magenta ang buenas.

Read more...