Claudine, Marjorie nagkaayos na; Greta dedma pa rin

SIGURADONG maligayang-maligaya si Claudine Barretto sa pagdiriwang ng kanyang 36th birthday dahil muli niyang nakasama ang kanyang pamilya, kasama na riyan ang nakaaway niyang kapatid na si Marjorie Barretto.
Nauna rito, nagkabati na ang mag-sister sa debut ni Julia Barretto, anak ni Marjorie. At may chika na sina Marjorie naman at si Gretchen ang magkaaway ngayon.
Sa ginanap na salubong para sa kaarawan ni Claudine noong Linggo ng gabi, ay present si Marjorie, at ang mga pamangkin ni Claudine na sina Julia, Claudia at Dani Barretto. Kapansin-pansin naman na wala roon si Gretchen kaya ang paniwala ng mga followers ni Claudine ay hindi pa rin nagkakaayos ang magkapatid.
Ilang litrato ang ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang bonding moments nila ng kanyang pamilya. Isa sa mga picture nila ni Marjorie ang nilagyan niya ng caption na: “Im so thankful for this day. @marjbarretto!”
Sa larawan naman kung saan kasama ni Claudine ang kanyang mga pamangkin, nilagyan niya ito ng caption na: “Love overload with my Babies! @juliabarretto @claudiabarretto @danibarretto!”
Meron ding kuha si Claudine kasama ang kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto, ang brother niyang si Mito, ang sister-in-law niyang si Connie, at iba pang pamangkin. Nandoon din siyempre ang mga anak nina Claudine at Raymart Santiago na sina Sabina at Santino.
At dahil nandoon nga sa selebrasyon si Marjorie, ibig sabihin nagkaayos na rin sila ng kanyang  magulang. Kung matatandaan nagkaroon din ng hindi pagkakaintindihan ang aktres at ang kanyang parents noong kasagsagan ng away nila ni Claudine.
Samantala, nu’ng gabi ring ‘yun ay nag-post din si Marjorie sa kanyang Instagram account ng ilang litrato nila ni Claudine.
Narito ang mensahe niya para sa kapatid, “They say time heals all wounds.. But for the deeper and more painful wounds, I know only God in all his mighty power can heal my heart and Claudine’s. I realized last night, that God is greater and bigger than all the pride and unforgiveness we both had for each other.
“Happy Happy Birthday Claudine! May this year be all about doors of opportunities opening up for you, lots of work, love and laughter!” dugtong pa ni Marjorie.

Read more...