MULA nang matanggal ang paborito naming baby na si Michael Pangilinan sa X Factor to give way to that guy named Kedebon something, we’ve stopped watching it.
Sinubaybayan pa naman namin ang unang mga linggo nito.
No offense meant pero nakakaloka lang because singing contest supposedly ang X Factor pero ipinagpilitan nitong chakang guest judge na si Arnel Pineda na matsugi si Michael at ipasok ang kamukha niyang komedyante na hindi naman nakakatawa! Ha-hahaha!
Kasi nga, nakaramdam kami ng lokohan at pulitika sa loob ng talent search na ito.
Kawawa naman ang mga deserving contestants kung ganito ang paiiralin nilang sistema.
May nagbalita sa akin na lagi na lang daw nagkakalat sa stage itong si Kedebon, pero hanggang ngayon nga ay hindi pa rin matsugi-tsugi.Totoo nga kayang nagkakaroon ng “magic” kaya hindi siya matanggal-tanggal sa X Factor?
“Magaling talagang sumipsip ang Kedebon na iyan sa production staff, tumutulong siya sa trabaho ng production staff sa backstage at di ba, naisulat nang nakikiusap daw itong huwag matanggal sa show at gagawin daw niya ang lahat nang iuutos nila sa kanya.
Stupid, di ba?” kuwento ni gaming source.
“May nakausap akong staff actually ng show noong time na tinanggal si Michael Pangilinan sa top 12 at ipinasok nga nila itong si Kedebon na napakapangit at wala namang talent.
Kenkoy na OA!
“Kailangan daw kasi nila si Kedebon for marketing purposes, pampaingay lang daw pero hindi naman daw nila pananalunin.
Ang pangit ng plano, di ba?
Naisasakripisyo ang mga deserving contestants dahil sa plano nilang paglaruan si Kedebon and eventually ay tsutsugihin din naman.
“Sana panalunin na lang nila si Kedebon tutal they rooted for him naman from the start.
Pag nanalo ‘yan, tiyak katapusan na rin ng X Factor dahil pagtatawanan na sila sa buong mundo.
“Kawawa naman ‘yung ibang finalits, hindi lang si Michael Pangilinan, dahil pag merong gustong panalunin ang mga taong nasa likod ng contest, kahit gaano ka kagaling at kaguwapo, tigok ka.
Kaya wala na kaming tiwala sa mga iyan, ‘no!” ang litanya ng mayamang negosyanteng kaibigan namin.
Kami? We’ve stopped watching that show.
Para que? Para magpabola sa mga kacheapan nila? Ha-hahaha!
Mas maganda pa nga minsan ang manood ng bikini contests sa gaybars at fair pa sila.
Pero itong X Factor – eiwww!!!
We are praying that Kedebon wins para first time tayong makatunghay ng isang champion na mahusay ring production staff at the same time.
Ha-hahaha! How desperate, di ba? Talagang only in the Pilipins lang ang mga ganitong eksena!