Jolina sa pagkikipaghalikan kay Carlo: Nu’ng simula kinilabutan talaga ako!

jolina panganiban

Nais uling makatrabaho ni Jolina Magdangal ang isa sa mga co-star nila sa seryeng Flordeliza na si Carlo Aquino. In fairness, marami ring sumusuporta sa loveteam ng dalawa sa nasabing Kapamilya series.

Si Carlo ang ka- love triangle ng Jolina-Marvin Agustin tandem sa Flordeliza, at base sa nababasa naming reaksiyon ng netizens, patok na patok din sa kanila ang tambalang CarJo dahil sa mga nakakakilig na eksena ng dalawa.

“Nakakatuwa kasi bigla ngang nagkaroon ng CarJo, o, ‘di ba? Hindi ko nga akalain na magkakaganun, siguro napakagaling lang talagang actor ni Carlo.

“Ang nangyari kasi, ang ka-batch niya sina Camille (Prats), sobrang mas bata sa akin. ‘Tapos dito, ila-loveteam kami,” chika ni Jolens nang makachika namin at ng ilang reporter pagkatapos ng thanksgiving presscon ng Flordeliza recently.

Nu’ng una raw ay parang awkward si Jolens sa mga pakilig scenes nila ni Carlo, “Talagang kinikilabutan ako, pero noong tumatagal, makikita mo na iba kapag magaling na actor ang kaeksena mo.

Hindi mo na nalalaman na Ate Jolens ang tawag sa akin.” Dati raw ay ate Jolens pa ang tawag sa kanya ni Carlo, “Actually, hindi na niya ‘ko tinatawag na Ate, siguro feeling niya magkaedad na lang kami.”

Hirit pa ng singer-actress, “Siguro kung magkaroon ng time na magka-work ulit kami ni Carlo, masaya ako. Alam ko na meron pa ko ulit pagkakatiwalaan na lalaki, hindi lang si Marvin.

Kasi si Carlo… kapag may kissing scene kasi, iba yung tiwala ko sa tao.” Nang matanong naman kung ano ang reaksiyon niya sa mga sinasabi ng ilang netizens na muling nabuhay ang career niya nang bumalik siya sa ABS-CBN, “Para sa akin, unang-una, never siyang namatay, kasi hindi ako tumigil.

Puwedeng nagkaroon ako ng pag-prioritize ng mga bagay-bagay. “Pero in fairness naman, sa lahat ng ginawa ko, masaya ako na hindi ako tumigil at hindi ako nagpahinga… in a good way, ha.

Ang maganda lang, magaganda lang ang nangyayari lahat sa akin. “Happy ako na sabihin, twenty-seven years, hindi ako nag-give up sa industriya na ang dami, bata pa lang, naggi-give up na.

Hanggang sa magkaanak na ‘ko at siguro, hanggang sa pagtanda ko, hindi ako maggi-give up. Hangga’t mahal ako ng industriya, hangga’t mahal ko ‘to, we will work together brightly,” pahayag pa ni Jolens.

Dagdag pa niya, “Ina-accept ko na sobra nila ako ngayong pinapasaya. Yung inspiration na binibigay sa akin ng ABS, yung pagbigay ng projects sa akin na sunud-sunod, hindi ko ine-expect.

Hindi ko ine-expect ang Your Face Sounds Familiar at aminado ko na ayoko talagang sumali ro’n dahil takot ako. Pero yung opportunity na ibinigay sa akin at yung ganda ng show, ‘tapos ‘eto…

Huling hirit ni Jolens, “Hindi pa nagtatapos ang Flordeliza, in-offer sa akin ang Written In Our Stars. Para sa akin, hindi lang din naman sa aming mga artista, tinitingnan din natin ang istorya.

At hindi rin naman nila ‘ko pinabayaan sa role na ibinigay sa akin. Sobrang credit ang binibigay ko sa ABS sa pagmamahal at pagtanggap sa akin after twelve years na nagkahiwalay kami.”

Read more...