Babalik pa ba ang lumayas na asawa?

Sulat mula kay Dianne ng Poblacion, Claveria, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,

Ako po ay may asawang sundalo at may dalawa kaming anak. Ang problema nang madestino siya sa Luzon hindi nya na kami binalikan at sa darating na August 1 mag-iisang taon na po siyang hindi na umuuwi ng aming bahay. Kaya sa ngayon ako lang mag-isa ang bumubuhay sa mga anak namin sa pagkakatulong. At sa ngayon may nanliligaw po sa akin na isang matandang balo kaya ito sana ang gusto kong malaman. Una, kung babalik pa kaya ang asawa ko? At pangalawa, kung sasagutin ko na ang matandang balo na ito na isinilang noong February 10, 1959 ay magiging maganda kaya ang buhay ko sa piling niya at compatible po ba kami? October 13, 1987 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Dianne Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Buti na lang may dalang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1 at 2.) sa iyong palad, ang una ay pangit at magulo (arrow 1.) habang maayos at maganda naman ang ikalawa (arrow 2.). Ibig sabihin sa unang pag-aasawa sadyang mabibigo ka kaya malamang na hindi na bumalik ang asawa mong sundalo. Ngunit ang magandang balita sa ikalawang pag-aasawa, walang duda habang buhay ka ng liligaya.

Cartomancy:

Two of Clubs, Ace of Diamonds at Ten of Hearts ang lumabas (Illustartion 1.). Ang mga baraha ang nagmumungkahing sagutin mo na ang kasalukuyan mong manliligaw na balo, dahil sa piling ng nasabing lalaki, sigurado na ang magaganap, kung nabigo ka man sa unang pag-aasawa at iniwan ka ng iyong mister sa ikalawang pag-aasawang hatid ng isang balo at matandang lalaki may zodiac sign na Aquarius, may pangako ng habambuhay na pag-unlad at ligaya.

Itutuloy …

Read more...