4 patay, libo-libo ang lumikas dahil sa baha sa Northern PH

pangasinan
PATAY ang apat na katao, kabilang na ang anim-na-buwang gulang na sanggol na lalaki, samantalang libo-libo naman ang napilitang lumikas sa kanilang bahay matapos ang mga pagbaha sa malaking bahagi ng hilagang Pilipinas.

Apektado ng matitinding mga pag-ulan ang malaking bahagi ng mga sakahang probinsiya, na naging dahilan ng mga pagbaha.
Tinatayang 3,000 katao na ang inilikas, ayon sa mga opisyal ng government civil defense.

Natabunan ang mga biktima matapos ang nangyaring landslide sa Pangasinan.

Sinabi ng weather bureau na bagamat walang inaasahang bagyong papasok sa bansa, inaasahan naman ang mga pag-ulan bunsod ng habagat na magreresulta sa mga pagbaha at landslide.

Read more...