NATAGPUAN ang mga naaagnas nang mga parte ng katawang ng tao mula sa gumuhong parte ng minahan sa Semirara, Antique habang lumalabo nang makuha pang buhay ang tatlong nawawala pang manggagawa ng minahan.
Kabilang sa mga nahukay ang kanang binti at mga parte ng balikat matapos naman ang isinasagawang operasyon ng mga empleyado ng Semirara Mining and Power Company, ayon sa impormasyon na nakalap ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Antique.
Posibleng sa mga nawawalang mga trabahador ang mga natagpuang parte ng mga katawan dahil buo naman ang anim na bangkay.
Kumuha na ang mga operatiba ng CIDG ng sample ng tisyu para sa isasagawang DNA test para makatulong sa pagkilala sa mga natagpuang mga parte ng katawan. Inquirer.net