Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na posibleng magkaroon ng aftershock ang lindol na may lakas na magnitude 5.3 sa Cagayan.
Bagamat walang inaasahang napinsala, sinabi ng Phivolcs na inaasahan nito na magkakaroon ng mga aftershock.
Naramdaman ang lindol alas-11:46 ng gabi. Ang sentro nito ay 32 kilometro sa kanluran ng Claveria. May lalim itong 19 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Laoag City, Batac City at Paoay sa Ilocos Norte.
MOST READ
LATEST STORIES