24 bahay, gusali wasak sa ipo-ipo

NAWASAK ang 26 bahay at iba pang istruktura nang manalasa ang ipo-ipo sa isang barangay ng Sual, Pangasinan Biyernes,  ayon sa pulisya.

Bukod sa mga bahay, sinira rin ng malakas na hangin ang isang klasrum at chapel sa Sitio Lapog, Brgy. Camagsingalan, at nagdulot ng brownout doon, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.

Natanggap ng Sual Police ang impormasyon tungol sa insidente alas-10 ng umaga.

Nakikisilong ngayon ang mga naapektuhang pamilya sa basketball court ng barangay hall at sa bahay ng mga kamag-anak.

Nagtungo na sa pinangyarihan si Sual Mayor Roberto Arcinue, iba pang kinatawan ng lokal na pamahalaan, at mga pulis para magsagawa ng clearing operation at mamahagi ng pangangailangan ng mga apektado.

Walang naiulat na nasawi sa insidente. Inaalam pa ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Read more...