Jovit kabado sa bagong title na ‘Jukebox king’

jovit baldovino

HANDA na raw si Pilipinas Got Talent champion Jovit Baldivino na maikumpara sa Pinoy Jukebox King na si April Boy Regino. Kay Jovit kasi ibinigay ang titulong bagong Jukebox King dahil na rin sa kanyang latest album.

“Sa ngayon po, nagre-ready na po ako. Pinaghahandaan ko po and sana po magawa ko at makaya ko ‘yung nagawa ng dalawang Jukebox King,” chika ni Jovit sa presscon ng kanyang bagong album, ang “JB: Juke Box”.

In fairness, kahit na sikat na sikat na si Jovit ngayon dito sa Pilipinas at ibang bansa, nananatili pa ring humble ang binata.

Sa katunayan, binabalikan pa rin niya ang lugar kung saan siya nagmula at nagsimulang mangarap.
Kung matatandaan, bago maging sikat na singer, nagtitinda lang ng siomai noon si Jovit, “Every time po na umuuwi ako ng Batangas, pinupuntahan ko po ‘yung pinagbebentahan ko ng siomai, minsan po nakamotor lang po ako then pumupunta po ako, binibisita ko yung mga katabi kong nagtitinda du’n.”

Tungkol naman sa mga isyu ng mga non-singer na mas sumisikat pa sa mga tunay na mang-aawit, at sa kontrobersiyal na pagli-lip sync among performers, sey ni Jovit, “Never po ako nag-lip-sync.

Pero du’n po sa lumalabas na balita, nabasa ko po iyon, narinig ko, sa ‘kin naman po bilang isang singer, wala naman pong problema siguro kung magli-lip sync ang isang tao kahit po hindi singer, pero nasa producer po ‘yun e, kasi hindi naman pagkakatiwalaan ng producer kung hindi po bebenta.”

Hindi rin daw siya nate-threaten sa mga non-singers na nagkakaroon pa ng platinum record albums, “Sa ngayon po hindi po.

Nagpapasalamat pa rin po ako kasi sa 4 years ko po sa industry, awa ng Diyos, di pa rin nawawala ‘yung mga sumusuporta po sa akin.”

Bukod sa kanyang bagong album, papasukin na rin ni Jovit ang akting, makakasama siya sa Metro Manila Film Festival entry na “Beauty and the Bestie” na pagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin.

Bukod sa pagpapatawa, may mga action scenes din daw siyang gagawin sa pelikula.

Read more...