Arnell matinding ma-in love, boba sa lalaki
Off na nga yata sina Arnelli (Arnell Ignacio) at dyowa nitong singer named Ken Psalmer. Kasi hindi na namin sila napagkikita together.
Ang balita ko Ken lives somewhere else and Arnelli naman tours the whole metropolis in the company of some dear friends without Ken in sight.
Nang tanungin namin si Arnelli regarding this, medyo nalungkot ang fez ng baklita. Mukhang meron nga silang pinagdadaanan ni Ken.
Sa totoo lang, hindi na kami na-shock dahil kilala namin si Arnelli. Hindi naman tanga iyan sa totoong buhay, nagtatanga-tangahan lang iyan sa larangan ng pag-ibig.
Maaaring super in love iyan at mahaba ang pasensiya niyan sa taong mahal niya pero once na hindi na niya ma-take ang mga kagagahan ng partner niya, maa-out iyan sa buhay niya.
And kung iyon ang magiging kapalaran nitong si Ken sa buhay niya, it won’t be Arnelli’s loss. Believe me!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.