Alice pumayag maging nanay ni Megan sa Marimar

alice dixson

Si Alice Dixson ang gaganap na Lupita Aldama sa bagong version ng MariMar na mapapanood na next month sa GMA 7.

Siya ang magiging nanay ng bagong Marimar na gagampanan naman ni Megan Young. Sa 2007 version nito na pinagbidahan ni Marian Rivera, si Rita Avila ang gumanap na Lupita.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Alice ng isang litrato na kuha sa taping ng Marimar kung saan kasama niya ang kanilang direktor na si Dominic Zapata at co-stars sa serye na sina Ina Raymundo at Zoren Legaspi.

Makakasama rin dito si Tom Rodriguez bilang katambal ni Megan.

Read more...