Paano makaka-ahon sa kahirapan? (2)

Sulat mula kay Evelyn ng Barra, Opoly Misamis Oriental
Problema:
Ako ay anak lang ng isang labandera habang ang tatay ko naman ay nagta-trabaho lang sa bukid, kaya kaming mga magkakapatid ay nahinto na po sa pag-aaral. Ako po ay third year high school lang at hindi na ako nakapagpatuloy pa ng pag-aaral. Naisipan kong sumangguni sa inyo
upang itanong kung may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? Sa ngayon po ay nire-recruit ako ng pinsan ko na mag-aplay daw kami sa abroad bilang D.H. Doon na kasi na ninirahan sa Dubai ang kapatid niya at doon daw kami mamasukan. Itatanong ko lang po kung ito na kaya ang opportunity na hinihintay ko para maka-ahon kami sa kahirapan? Kung makapag-aabroad ako kailan kaya ito magaganap at magiging maayos kaya ang buhay ko doon? December 13, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Evelyn ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ay nagsasabing pagsapit na pagsapit ng buwan ng Agosto hanggang Setyembre, magagandang pangyayari ang magaganap sa iyong buhay at maaaring sa panahon ding ito sa tulong ng isang nilalang na isinilang sa sign na Aries makapag-aabroad ka na.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing ang nilalang na tutulong sa iyo upang makapag-abroad ay sinilang sa birth date na 7, 16 o kaya’y 25. Kaya kung ganyan ang birth date ng pinsan mo o ng mag-asawa na pupuntahan nyo sa Dubai, tiyak ang magaganap – magkakaroon ka doon ng isang mabunga at mabiyayang karanasan.
Luscher Color Test:
Upang matupad ang pangarap mo na makapag-abroad at lalo pang magkaroon ng magagandang kapalaran lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na pula at dilaw. Ang nasabing kulay ang lalo pang magbibigay sa iyo ng mas magaganda at positibong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Evelyn ayon sa iyong kapalaran ituloy mo lang ang pag-aaplay sa ibang bansa kasama ng iyong pinsan, sapagkat nakatakda na ang magaganap, dahil sa nasabing pag-aabroad na nakatakdang maganap ngayong taon ding ito sa buwan ng Agosto o kaya’y Setyembre, magsisimula na umunlad ang inyong pamilya hanggang sa tuluyang makaahon sa kahirapan.

Read more...