Sa isang buwan ay kaarawan na naman ni Fernando Poe Jr., ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.
Kung nabubuhay si Da King, 76 na sana siya sa Aug. 20 at sabi nga ng kanyang biyudang asawang si Ms. Susan Roces, siguradong proud na proud ito sa anak nilang si Sen. Grace Poe.
At sigurado rin daw na malungkot si FPJ kung buhay pa ito dahil sa ginagawang pang-iintriga sa senadora.
Hot topic pa rin ngayon sa social media si Sen. Grace, na nangunguna sa mga survey sa pagka-presidente bagama’t hindi pa opisyal na nagdedeklara ng kanyang intensyong tumakbo.
Siya rin ang nagunguna sa surveys sa pagka-bise presidente. Gaya ng kanyang ama, tahimik lang ang senadora pero ang kanyang mga posibleng makakalaban ay nagsisimula nang mag-ingay.
May mga intriga nang lumalabas na halatang nais sirain ang kanyang pagkatao. Pero ang tanong nga ng ilang kababayan natin, ano nga bang klaseng tao ang anak ni Da King? Very conscious si Sen. Grace na ingatan ang legacy ng kanyang mga magulang, sina FPJ at Ms. Susan.
Sa kanyang mga talumpati at panayam, laging nababanggit ng senadora ang mga itinurong aral sa kanya ng kanyang mga magulang.
Sa kanyang Facebook post noong Father’s Day, sinabi niya na ang kanyang ama ang nagturo sa kanya kung paano magpakumbaba at magpakatotoo, sino man ang kaharap na tao.
“My dad was the one who taught me by example what unconditional love is. He was not one to talk much, but he always showed me how to remain humble and magnanimous.
“My mom told me the reason my dad was compassionate and generous to a fault was because he never forgot how it was to be poor.
That is why he was genuine in his ways, and his films and dealings were always about social justice, and uplifting the lives of those in need,” sabi pa ng senadora.
At sabi nga ni Ms. Susan, hanggang ngayon, lahat ng pagpupursige ng anak ay upang isabuhay ang mga aral mula sa kanila ni FPJ.
Samantala, ayon naman sa kanyang half-sister na si Lovi Poe, na unang nakilala ni Sen. Grace nang mamatay ang kanilang ama noong 2004, nakakabilib ang kabutihang ipinakita sa kanya ng kapatid at ni Susan.
Hindi niya raw inakalang magiging ganoon kabait ang mag-ina sa kanya, na anak ni Da King sa ibang babae, “Kasi nga sa ganitong klase ng sitwayson, let’s face it, not everyone can always be nice.
But they’ve always been nice to me. Ang sarap lang ng pakiramdam,” ani Lovi. Dagdag pa ng Kapuso actress, nai-inspire daw talaga siya sa kanyang kapatid. Pabiro pa ngang sinabi nito na dapat tumakbo ang senadora sa susunod na eleksyon.
Pero ani Lovi, kung anuman ang magiging desisyon ng kanyang ate Grace, 100 percent niya itong susuportahan dahil naniniwala siya sa kakayahan nito bilang public servant.