Maaga pa lang ay dinayo na namin ng alaga kong si Michael Pangilinan ang Fairview dahil may shooting siya for his launching movie na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” with Edgar Allan Guzman as his “leading-gay friend”. Ha-hahaha!
Ngayong araw na ito is very important to us dahil special guest namin sa shooting ngayon ang nag-iisang Superstar nating si Ms. Nora Aunor who will play Edgar Allan’s mom in the film.
Ganda ng mga eksena ni Mama Guy, ayon na rin sa direktor ng movie na si Joven Tan. She does a cameo role in the film pero mahalaga ang papel niya, as in.
“Kaya ko tinanggap ang movie na ito kahit one day shoot lang ako dahil dalawa kong anak ang mga bida, sina Michael and Edgar Allan.
Plus ikaw pa na sobrang mahal ko. Kaibigan ko rin si Direk Joven kaya walang dahilan para ayawan ko ang pelikula.
“Mabuti na lang at pumayag ang line producer ko sa ‘Kabisera’ na ipahiram ang araw na ito para sa pelikula ng mga anak ko.
Maraming salamat at naisipan ninyo akong isali,” ang napaka-humble na pahayag ng Mama Guy.
Then tatakas lang kami sandali sa shooting ng 2:30 p.m. dahil maggi-guest muna sandali si Michael sa Trinoma para sa Regine Series ng PLDT Home with the Asia’s Songbird Revine Velasquez and rightafter ay babalik na kami sa shooting at hanggang umaga na iyon.
Ngayon lang kasi available si Mama Guy kaya sasamantalahin namin ang pagkakataong ito dahil left and right ang ginagawa niyang indie movies.
Salamat kay Kuya Boy Palma at pinagbigyan niya ang hiling naming makasama si Mama Guy in this film. Kaya lalong gumanda ang pelikula dahil kasama ang nag-iisa nating Superstar. Thank God!