SUGATAN ang tatlo katao matapos magkarambola ang mga sasakyan sa Quezon City kahapon ng hapon, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ngi Vincent Lizada, ng MMDA metrobase nangyari ang banggaan sa eastbound lane ng Aurora Boulevard sa kahabaan ng Katipunan ave.
Idinagdag ni Lazada na kasama sa mga nagbanggaan ang isang delivery truck, closed van, FX, at taxi.
Aniya, dinala ang dalawa sa mga nasugatang pasahero sa Marikina Medical Center, samantalang pumirma naman ng waiver ang isa pang sugatang pasahero matapos tumanggi nang magpadala sa pagamutan dahil galos lamang ang natamo nito.
Aniya, natanggal ang mga sasakyan ganap na alas-1:20 ng hapon.
Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente.
MOST READ
LATEST STORIES