Magiging BF na ba ang ka-textmate? (2)

Sulat mula kay Cheryl ng San Vicente, Liloan, Metro Cebu
Problema:

1. Wala pa akong matatawag na totoong boyfriend sa ngayon at ni minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Recently ay may nakilala akong isang lalaki sa text at naging mag ka-text mate po kami. Hindi nagtagal, kahit sa text lang, ay naging kami, pero hindi pa kami nagkikita nang personal. Sa darating na July 25 ay balak naming mag-eyeball.

2. Ask ko lang sana kung ang lalaki na bang ito na kasalukuyan boyfriend ko na sa text ay siyang magiging first boyfriend ko sa totohanan? August 29, 1991 ang birthday ko at May 16, 1989 naman siya. Compatible ba kami at kung sakaling maging boyfriend ko siya? Siya na kaya ang makakatulyan ko?

Umaasa,
Cheryl ng Metro Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing tugma at compatible kayo ng lalaking ka-text mate mo dahil ang zodiac sign niyang Taurus at Virgo ka naman ay kapwa pinaghaharian ng elementong lupa o earth. Ibig sabihin, sa pag-aanalisang pang-astrology, compatible at tugma talaga kayo.
Numerology:

Ang birthday mong 29 at zodiac sign na Virgo ay nagsasabing ang lalaking nakatakda mong mapangasawa ay makikilala mo sa pamamagitan ng cell phone o kaya’y modernong teknolohiya na nagtataglay ng birth date na 7, 16, o kaya’y 25, saktong katulad na katulad ng lalaking textmate mo sa kasalukuyan.

Luscher Color Test:

Sa sandaling nabuo ang pormal ninyong relasyon ng textmate mo sa buwan ng Agosto, lagi kayong gumamit ng kulay na berde at pula upang ang inyong relasyon ay lalo pang magtagal at habang buhay na lumigaya.

Huling payo at paaalala:

Cheryl, ayon sa iyong kapalaran, nakatakda na ang magaganap. Bago sumapit ang saktong edad mong 25 sa buwan ng Agosto ay magkaka-boyfriend ka na nang pormal at totohanan. Hatid ito ng kasalukuyan mong textmate na may zodiac sign na Taurus. Dahil ang Taurus at Virgo ay tugma sa isat-isa, ganoon din ang birth date mong 29 at 16 naman ang textmate mo, tiyak ang magaganap. Sa susunod pang mga taon, sa 2019 sa edad mong 28 pataas at 30 naman ang textmate mo, kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabang buhay na pamilya.

Read more...