Tamang age para magpakasal

GOOD morning, Manang! Louie na lang po ang itawag niyo sa akin. Ako po ay 17 years old at may girlfriend na. We are compatible with each other naman po and dreaming of our wedding in the future. Ask ko lang if ano po ang tamang edad para magpakasal?

Louie,
Tagum City, Davao del Norte

Heller Louie na may GF! How sweet naman, dreaming about your future together…Tamis! Kinilig naman ang Manang n’yo… Nothing bad about that, I just wish you get to know each other well and spend time building your dreams together. Salamat sa pag-acknowledge na bata pa kayo.

If you ask me, ang tamang edad ng pag-aasawa ay kung parehas na kayong may hanapbuhay, ipon at mentally ready to face the challenges of having a family. Siguro late twenties to early thirties is a good age.

I hope mapaghandaan n’yo ito bago kaya pumasok sa isang bagay na wala nang atrasan. I wish you the best!

Payo ng tropa
Hi Louie,

Nakakatuwa ka naman at age of 17 pinaplano mo na about marriage. Halatang in-love kayo masyado.

Aral ka munang mabuti para pag nakatapos ka o kayo, mas magandang trabaho ang mapasukan mo, walang kayong pagsisihan, mas mapapaganda ang buhay n’yo ng family mo, right?

I agree sa sabi ni Manang na siguro late twenties to early thirties is a good age of having family.
Ate Jenny

Read more...