Psst Mar, magiging presidente ka

MADALAS tayong makaranas ng di pagtanggap mula sa mga may pinag-aralan. Kung sino pa ang inaasahan nating madaling makaunawa at makaintindi dahil sila ang marurunong at may pinag-aralan, sila pa ang napakahirap pakiusapan; at iyon namang iniisip nating mahirap paliwanagan dahil walang pinag-aralan, sila pa ang madaling lapitan. Pagninilay sa Ebanghelyo (Sim 103:1-2, 3-4, 67; Ex 3:1-6, 9-12; Mt 11:25-27) sa ika-15 linggo ng karaniwang panahon.

Psssst! Mar Roxas. Siyempre, gusto mong maging presidente nang walang kahirap-hirap. Ganito ang gawin mo: tumakbo ka na lang na bise presidente at si Grace Llamanzares ang presidente. Pareho kayong mananalo. Di ba’t maraming grupo ng abogado at di abogado ang dudulog sa Korte Suprema para ma-disqualify si Poe? Kaya uupo ka ngayong presidente.

Puwede ring sumama ang grupong kilala mo na magaling magmaneobra, gaya ng pagpapabagsak sa rating ni Jejomar Binay nang hindi nalalaman ng publiko kung sino ang nasa likod nito, pero buking naman kung sino talaga ang nasa likod. Puwede ring ipagtatanggol mo to da max si Llamanzares dahil kapartido mo, bagaman mahihirapan kang ipaliwanag ang pangulo na ang asawa’t mga anak ay Kano. Paano si Chiz?

Ayon kay Abad politician, may magsasakripisyo. Pero, kapag nanalo na kayo, hirangin na lang si Chiz na executive secretary, o little president. Kapag na-disqualify si Llamanzares, si Chiz pa rin ang executive secretary para bayad-sakripisyo. Tama si Abad politician, kailangan may mag-sakripisyo. Kung di mo ito ma-gets, Mar, huwag mo.

Nang hirangin si Director Ricardo Marquez bilang hepe ng National Police, agad na ibinilin ni Leonardo Espina ang hustisya para sa SAF 44. Isang oras pagkatapos hirangin si Marquez, na umano’y walang bahid ng dumi at kontrobersiya, nagising ang Philippine National Police Academy at muling binuhay ang paghingi ng hustisya sa SAF 44. Maglulunsad pa nga ng coffee-table book ang PNPA para sa SAF 44.

Sa Camp Crame, buo pa rin ang sentimyento ng junior officers sa SAF 44. Kung kahapon ay tikom pa ang kanilang bibig, unti-unti na ang paramdam ng junior officers. Alam nilang malapit si Marquez kay Puring (o si Puring ang malapit kay Marquez), bagaman itinatatwa na ito ni Marx. Kung may magagawa si Marquez para magkaroon ng hustisya ang pagpatay sa SAF 44 nang walang kalaban-laban ay klap-klap-klap. Pero, alam ng junior officers na walang hustisya sa paubos na termino ni Aquino.

Sa wakas, huling SONA (state of the nation address) na ni Aquino. Sana naman, ilabas na niya ang kuwentas klaras ng CCT ng DSWD, kung kani-kanino ibinigay ang pera na hinoldap sa taxpayers, lalo na sa North Caloocan (Bagong Silang, Camarin, Tala, Malaria); San Jose del Monte at Marilao sa Bulacan. Ang tunay na mahihirap sa mga lugar na ito ay hindi binigyan ng CCT. Ang hindi mahihirap ang binigyan ng CCT.

Sa wakas, nagising na rin ang simbahang Katolika sa talamak na shabu sa bansa. Ang operasyon ng shabu ay nasa loob mismo ng bakuran ni Justice Secretary Leila de Lima, na may tibay ng dibdib pang tumakbo pagka-senador. Kapag ang operasyon ng shabu ay protektado ng demonyong gobyerno, walang magagawa ang simbahan.

Marami ang nagalit sa mga pulis-Maynila na bumaril at pumatay sa lalaking sumusuko, na inakusahang holdaper. Pero, sa Davao City, walang nagagalit kapag pinapatay ang inakusahang holdaper. Sumiklab lang ang galit dahil naitala ito ng CCTV. Noong martial law, hindi ganito kung pumatay ang pulis-Maynila ng inakusahang holdaper. May “proseso” ang pulis-Maynila, at sinasang-ayunan ito ng mga biktima at tahimik na mamamayan.

MULA sa bayan (0906-5709843): Kami po’y taga-Catanduanes. Merong DSWD at DOH dito pero napakarami ang batang malnourish. May namamatay na. Tulungan po ninyo kami. …9043

Cong. Samuel Pagdilao, tulungan mo naman ang retired policemen sa probinsiya. Nade-delay na ang pension namin. Napakamahal na ng bilihin at puro na kami utang. …1679

Read more...