Special ang episode ngayong Sabado ng paboritong Kapuso gameshow ng bayan na Celebrity Bluff dahil magdiriwang ng kanyang kaarawan ang award-winning comedienne/actress na si Eugene Domingo.
Bilang bahagi ng kanyang birthday celebration, mga good-looking young Kapuso stars ang rarampa at maghaharap-harap sa pagkakataong manalo ng kalahating milyong piso.
Unang pares ay ang magkapatid na sina Janine at Diego Gutierrez. Makikigulo rin ang stars ng Afternoon Prime drama series na Buena Familia na sina Kylie Padilla at Martin del Rosario. Hindi naman magpapahuli ang pares nina Louise delos Reyes at Kiko Estrada.
Hindi rin dapat palampasin ang special dance number at regalo ng pambansang manliligaw na si Jose Manalo kay Uge. In fairness, talagang patok na patok pa rin ang tandem ng dalawa sa nasabing programa. Marami nga ang nagtatanong sa amin kung sila na ba sa totoong buhay dahil bagay na bagay naman daw ang dalawa na maging magdyowa.
Pero sabi namin, kapag nakakachika namin sina Jose at Uge, ang lagi nilang sinasabi ay napakaganda ng kanilang friendship at natutuwa sila dahil tanggap na tanggap ng mga manonood ang kanilang loveteam. Sa pagkakaalam namin, bawal silang maging magdyowa, kung bakit, sila lang ang nakakaalam! Ha-hahaha!
Kasama pa rin ang gangnams na sina Brod Pete at Boobay, kaninong pares kaya ang aabante at papasok sa final round?
Siguradong kilig at tawa ang ihahatid ng paboritong JoGe loveteam sa mga manonood?
Mapapanood ang Celebrity Bluff tuwing Sabado, after Magpakailanman sa GMA.