Anne sa Kasal: Parang di na rin naman uso sa mga babae!

ANNE CURTIS AT ERWAN HEUSSAFF

ANNE CURTIS AT ERWAN HEUSSAFF

ILANG taon nang magkarelasyon sina Anne Curtis at Erwan Heussaff, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang balak magpakasal.

Sey ng Kapamilya actress-TV host, hindi pa rin naman daw kasi nagpo-propose si Erwan kaya nakakahiya naman daw kung magsasalita siya tungkol sa isyu ng kasal. Feeling ng ilang fans ni Anne, parang wala talaga sa bokabularyo niya ang magpakasal. Tila takot na takot pa siyang magpatali sa kanyang dyowa.

Sa isang showbiz event nga, nagulat pa ang aktres nang matanong kung kailan ba talaga ang wedding nila ni Erwan.

“Not yet siguro. I think we’re both in a stage na nae-enjoy pa namin yung things that we can do witthout having to be engaged muna.

“At saka hindi rin naman uso sa mga babae, lalo na sa mga career-driven. Darating din naman ‘yon. I think in God’s right time, darating din naman ‘yon.

“Hindi naman kailangan agad-agad. Kasi, naalala ko dati, noong bagets ako, ‘Ay, naku, 27 or 25.’ When you reach 27, you’ll realize, ‘I’m not yet ready,’” paliwanag ng aktres.

Pero nilinaw ni Anne ang mga tsismis na nagkakalabuan na raw sila ng kanyang boyfriend, maayos na maayos daw ang relasyon nila ng kanyang boyfriend, sa katunayan, magkasosyo sila ngayon sa bago nilang business.

Read more...