San Beda masusukat kontra Letran | Bandera

San Beda masusukat kontra Letran

Mike Lee - July 16, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
10 a.m.  Lyceum vs St. Benilde (jrs)
12 nn. San Beda vs Letran (jrs)
2 p.m. Lyceum vs St. Benilde (srs)
4 p.m. San Beda vs Letran (srs)
Team Standings: Perpetual Help (3-0); San Beda (2-0); Letran (2-0); Arellano (2-1); San Sebastian (1-1); Jose Rizal (1-2); Mapua (1-2); St. Benilde (1-2); Lyceum (0-2); Emilio Aguinaldo (0-3)

MASUSUKAT ang tunay na lakas ng San Beda sa pagharap sa Letran sa 91st NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Parehong may 2-0 karta ang five-time defending champion Red Lions at Knights na magkikita sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Dinurog ng Red Lions ang Mapua at Emilio Aguinaldo College sa kanilang unang dalawang laro na kung saan ang winning margin ay nasa 20.5  puntos.

Si Arthur dela Cruz ang siyang pangunahing manlalaro ng tropa ni San Beda coach Jamike Jarin sa kanyang 24.5 puntos, 15 rebounds at limang assists ngunit magkakaroon na siya ngayon ng mas matibay na suporta dahil sa paglalaro nina Ola Adeogun at Baser Amer.

Ang dalawa ay nakabangon na mula sa mga injuries para pagtibayin ang paghahabol sa ikaanim na sunod na titulo.

Sa kabilang banda, ang Knights ay nagwagi sa St. Benilde at Jose Rizal University at nilimitahan ng kanilang depensa ang mga koponang nabanggit sa 57.50 puntos.

Sina Rey Nambatac, Mark Cruz at Kevin Racal ang mga magdadala uli sa Knights para manatiling walang talo ang bagong head coach nito na si Aldin Ayo.

Ang unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon ay sa pagitan ng St. Benilde at Lyceum.

Galing ang Blazers sa 73-66 panalo sa Generals at kailangang maging handa sila sa ipakikita ng Pirates na determinado na tapusin ang dalawang sunod na pagkatalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending