Pauleen ayaw ma-pressure sa kasal nila ni Bossing

vic sotto

Isa sa mga kinikilala at hinahangaang versatile actress si Pauleen Luna ngayon.

Kahit anong karakter ang gawin niya, effective at very convincing niya itong nagagampanan, tulad na lang ng pagganap niya bilang Pearl Tanchingco sa primetime series na The Rich Man’s Daughter.

Si Pearl ang asawa ni Gabriel na ginagampanan naman ni TJ Trinidad. Sa takbo ng kuwento, nalaman na ni Pearl na mahal parin ni Gabriel ang dati nitong nobya at nabuntis pa niya ito.

Ayon kay Pauleen para sa kanya kawawa si Pearl, “Honestly, I think kawawa siya. At first, I thought she was just an annoying person but eventually, naawa ako sa kanya kasi nagmahal lang naman siya, even if Gabriel doesn’t love her, she doesn’t deserve that kind of treatment.

“She is strong to keep the marriage together but weak enough to leave even if she has had enough,” sey pa ni Poleng.

At isa sa mga natutunan o natuklasan niya habang ginagawa ang TRMD at sa pagganap bilang Pearl ay may mga tao talaga na hindi isusuko ang mahal nila kahit niloloko na sila.

Pagdating sa set, kahit mabigat ang mga eksena at ang tema ng programa, masaya parin sila tuwing taping. “It’s super fun on the set of TRMD. I’m very close to TJ who plays my husband in the soap because we were together in The Borrowed Wife.

I am also close to Ate Glydel (Mercado) because we share the same dressing room. It’s always so fun acting with the rest of the cast, light lang, but when you hear the word ‘Action!’, biglang ang galing ng lahat! Nakaka-inspire!” kwento ni Pauleen.

Nang tanungin namin kung ano ang dapat abangan ng viewers kay Pearl, ito ang sagot ni Pauleen, “They need to watch out if Pearl will fight all the way for their marriage even if she’s already in so much pain.”

Subaybayan gabi-gabi ang The Rich Man’s Daughter pagkatapos ng Let The Love Begin sa GMA Telebabad.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpo-propose si Vic Sotto kay Poleng, pero sey ng TV host-actress, wala naman daw pressure sa kanila ni Bossing ang kasal.

Basta ine-enjoy lang nila ang bawat araw na magkasama sila. Ang mahalaga raw ay going strong pa rin sila ni Vic.

Read more...