Roxas handang magbigay kay Grace Poe? Pwedeng magsakripisyo uli?
HANDA ba siya na muling magbigay at magsakripisyo?
Pinanindigan ni Interior Secretary Mar Roxas na kaya niyang isakripisyo ang kanyang personal na ambisyon kung ito ay para sa ikabubuti ng marami.
Ito ang naging pahayag ni Roxas, na siyang posibleng maging standard bearer ng Liberal Party sa susunod na halalan, bago ang nakatakda niyang pakikipaghapunan kay Pangulong Aquino at Senador Grace Poe at Francis Escudero Miyerkules ng gabi hinggil sa posibilidad na unity ticket sa 2016.
“Sacrifice? I think you should not be asking me about that because my track record will clearly show my capability to sacrifice and give way for a bigger objective in pursuing ‘daang matuwid’ (straight path),” ayon kay Roxas nang manguna sa isang forum para sa disaster preparedness sa Malabon City.
“For me, my interest is to continue the programs that the President had started. It’s important for us to assure our countrymen that the programs that benefitted them will continue,” dagdag pa nito.
Inamin din ng kalihim na may dinner siya sa pangulo kasama ang dalawang senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.