Ryzza Mae damay sa kasalanan ng magulang

ryzza mae

Nasagap din namin kapatid na Ervin ang tsismis na doble effort daw ngayon ang parents ng child star na si Ryzza Mae Dizon sa paghingi ng apology at pagsuyo kay nay Lolit Solis na nadedma kamakailan sa binyagan ng bagets?

Balita kasing nakalimutan daw na maimbitahan man lang o masabihan ang mabait nating talent manager-host na noon pa pala naging fairy godmother ng bagets, pati na ng pamilya nito.

Yes, dahil sa sobrang giliw nito at bilib sa bata plus the fact daw na “kapamilya” ang turing nito sa lahat ng mga taga-TAPE at Eat Bulaga, nag-volunteer itong patirahin sa kanyang condo unit sa Imperial Palace Suites sina Ryzza at nanay nito.

Sa halos isang taon palang paninirahan doon ng mag-ina ay never itong siningil ng anumang bayad ni Nay Lolit na feeling fairy godmother nga ng bagets.

Tapos nga naman, noong totoong binyagan na, aba’y ni hindi man lang siya naimbita?

Read more...