Iya Villania grabeng magmaldita sa GMA, ang daming kaartehan?

iya

MAY mga kaibigan tayo sa GMA 7 na nagkuwento na mayroon ngang kumakalat na tsika ngayon tungkol sa diumano’y pagmamaldita ni Iya Villania na napapanood na rin sa isang news program ng Kapuso network.

Hindi man nag-elaborate ang aming mga kausap pero ang sinasabing pag-iinarte raw nitong si Iya ay dala raw ng tila frustration and disappointment nito sa pangarap na maging bahagi ng isang bonggang lifestyle cum sports and travel show.

May isyu pang kumakalat na tila nagsisisi na yata ang GMA management na siya’y kinuhang pabalik sa Kapuso dahil “feeling” big star daw ito na dapat ay laging pakinggan at sundin ang demands.

Kahit nga raw sa mga maliliit na detalye ng maikli at maliit niyang segment sa 24 Oras ay gustong iparamdam ng aktres-TV host na big time siya sa pinanggalingang network?

May ganu’n? Parang nakakaloka naman yata ang tsismis na ito. Ha-hahahaha! Sige nga Iya, magpaliwanag ka tungkol dito para magkaalaman na!

Read more...