7 patay, 38 dakip sa raid sa Davao | Bandera

7 patay, 38 dakip sa raid sa Davao

John Roson - July 15, 2015 - 04:34 PM

davao city
Pitong hinihinalang drug pusher ang napatay habang 38 pa ang nadakip, at aabot sa P3 milyon halaga ng iligal na droga ang nasamsam, nang salakayin ng mga awtoridad ang mga hinihinalang drug den sa iba-ibang bahagi ng Davao City kahapon (Miyerkules).

Nabawi din ng mga operatiba ang sari-saring baril, mga granada, at mga motorsiklo mula sa mga suspek, sabi ni Director Benjamin Magalong, hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Magkakasabay na sinalakay ng mga elemento ng CIDG, iba-ibang unit ng Southern Mindanao regional police, PNP national support units, at Philippine Drug Enforcement Agency ang mga target dakong alas-5 ng umaga, ani Magalong.

Isinagawa ang mga raid gamit ang 35 search warrant, sabi ni Magalong, na nasa lungsod para tumulong sa pamamahala sa operation.

Ginamit din ang puwersa ng halos lahat ng 12 police station ng Davao City dahil nasa iba-ibang distrito ang mga target, sabi ni Superintendent Antonio Rivera, tagapagsalita ng Southern Mindanao regional police.

“It was massive. Raids were conducted from Toril in the south up to Bunawan, and then from Calinan in the west to Buhangin in the east,” ani Rivera.

“Only the police stations in Marilog, Paquibato, and Baguio — those in mountainous areas — did not apply warrants,” aniya.

Umabot sa 329.3 gramo o P3 milyon halaga ng hinihinalang shabu, 73 gramo ng marijuana, at sari-saring drug pharapernalia ang nasamsam, sabi ni Senior Superintendent Joel Pernito, hepe ng regional CIDG unit.

Nakumpiska din ang 13 magkakaibang uri ng baril, sari-saring bala, tatlong granada, at tatlong motorsiklong walang plaka, aniya.

Nakilala na ang mga napatay na suspek bilang sina Jabar Aboul, Cyril Abinoja, Reynaldo Quindao, Nonoy Tiongko, Marvin Flores Vargas, Jerome Portolazo, at Dodong Quiba, sabi ni Senior Inspector Milgrace Driz, tagapagsalita ng Davao City Police.

Napatay ang pito nang maka-engkuwentro ang mga operatiba sa Sta. Ana, San Pedro, at Talomo districts, ani Driz.

“They resisted arrest and shot it out with the operatives,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dinala naman ang mga nadakip na suspek sa gymnasium ng Davao City Police Office para maidokumento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending