Numero ng nanalo ng jackpot sa lotto kinuha sa dyaryo
Sa dyaryo nakuha ng 52-anyos na lalaki ang numerong nagpanalo sa kanya ng P6.1 milyon sa draw ng 6-digit noong Hulyo 11.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay retirado mula sa pribadong kompanya. Siya ay mayroong asawa at apat na anak. Sila ay taga-Cavite.
Ang mga numerong 1-4-7-3-4-1 ay nakuha umano niya sa dyaryo. May 15 taon na umano siyang tumataya sa lotto.
Nagkakahalaga ng P30 ang kanyang itinaya ng manalo.
Plano niyang gamitin ang napanalunan sa negosyo at magtabi para sa kanyang mga anak at sa hinaharap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.