Derek Ramsay nag-share ng swerte sa isang Kapatid | Bandera

Derek Ramsay nag-share ng swerte sa isang Kapatid

Ervin Santiago - July 14, 2015 - 02:00 AM

derek ramsay

Isang buwan matapos ang pilot episode ng “happiness-on-wheels” Sunday noontime program ng TV5 ay patuloy pa rin ang Happy Truck Ng Bayan sa paghahatid ng saya’t lingguhang fiesta sa bansa.

Nito lamang Linggo (July 12), isa na namang maswerteng constestant ang nag-uwi ng jackpot prize.
Wagi si Aldrin Santos ng Commonwealth, Quezon City matapos niyang masungkit ang total cash prize na P225,000 mula sa “Kwarta o Kwartruck” segment ng programa.

Bago yan, tinanghal siyang “Barangay Most Wanted” matapos siyang umangat laban sa 150 niyang mga kapitbahay at kapit-barangay.

Nakatulong sa tagumpay ni Aldrin ang Happy Truck Ng Bayan host na si Derek Ramsay na siyang nagturo sa kanya ng maswerteng “Kwartruck”.

Dahil feel ni Derek na kargo niya ang kapalaran ni Aldrin at ng kanyang asawa, sinaluhan niya ito sa Kwartruck para kung ano man ang bumagsak sa mag-asawa ay kasama siya.

Swerte namang ang jackpot prize pala ang nandoon sa pinili nilang “Kwartruck”. Pansin ng fans ng programa na medyo parang may dalang swerte si Derek pagdating sa segment ng programa.

Sa pilot nito sa Tondo, itinuro ni Derek ang “Kwartruck” ni Gelli de Belen at sakto namang ito nga ang may laman ng jackpot.

Ang unang jackpot winner na si Prince mula San Juan City, pinili naman ang “Kwartruck” na kinatatayuan ni Derek na sakto ring kinalalagyan ng jackpot.

Samantala, bida naman ang mga machong construction workers na meron ding ibubuga sa talino at talent sa bagong segment ng “Happy Truck Ng Bayan” na “O.C.W. (Ooooh, Construction Worker!)”
Instant hit agad sa mga audience at sa mga netizen ang personality search.

Pinag-usapan sa social media ang “O.C.W.” matapos magpasikatan ang mga machong konstru ng kanilang mga sexy moves at patunayang sila ang “man for the job”.

Maaaring mag-audition sa “O.C.W” sa TV5 Novaliches, Quezon City. Sakay na sa biyaheng happy at samahan sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Gelli, Mariel Rodriguez-Padilla, Derek, Jasmine Curtis Smith, Empoy, Tuesday Vargas, Kim Idol, Eula Caballero, Ritz Azul, Shaira Mae, Mark Neumann at marami pang iba sa Happy Truck Ng Bayan every Sunday, 11:30 p.m. sa TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending