Jennylyn binoykot ng mga kapuso stars sa ‘2015 FHM Victory Party’

jennylyn mercado

PARANG true ang rumor na nabasa namin na iboboykot ng ilang Kapuso stars ang FHM Victory Party dahil against sila kay Jennylyn Mercado na nagwagi bilang Sexiest Pinay.

True enough, wala ang ilang Kapuso stars na nasa Top 10 Sexiest pa naman tulad nina Andrea Torres na nasa number 2, Sam Pinto who placed fourth, Solenn Heussaff na nasa ikalimang puwesto at Max Collins who landed on number 9 spot.

Does their absence confirm the rumor na ayaw nila kay Jennylyn? Or did they realize na wala namang mabuting idudulot sa kanilang career ang pagrampa nang naka-sexy outfit at baka pagpantasyahan pa sila ng mga maniac na manonood ng show?

Anyway, Jennylyn was indeed very sexy in her outfit. Although she already has a child, napangalagaan ni Jen ang kanyang katawan at hindi siya nalosyang.

Pero mas maganda at mas sexy pa rin sa kanya si Sunshine Cruz. Wala siyang binatbat sa dangerous curves ni Sunshine na kahit tatlo na ang anak ay super sexy pa rin.

As expected ay wala nga si Dennis Trillo nang rumampa at kumanta si Jen. Days prior, sinabi talaga ni Jen na hindi niya inimbitahan si Dennis dahil nahihiya siya rito.

Anyway, nakita namin ang ilang photos ng mga celebrities na rumampa sa Victory Party ng men’s magazine and we feel sorry for a few who dared to grace the event sa pag-aakalang sexy pa rin sila.

Number one in our list is this Japanese porn star Maria Ozawa whom we saw na naka-two piece.
She’s no longer fresh-looking, halatang may edad na at hindi na rin sexy.

She looks plump, parang balloon na binomba ang boobs niya na obviously ay nagsa-sag na.
Shimmering ang beauty ni Alice Dixson sa kanyang equally shining gown pero she looks like a matronang kagagaling lang sa kusina.

Masyadong makintab ang kanyang fez at mukha siyang kabuki performer sa sobrang puti ng kanyang mukha. Para siyang espasol.

Si Phoemela Baranda naman ay nagmukhang matronang bakla sa kanyang tie-a-yellow-ribbon swimsuit. Since she’s a morena, hindi swak sa kanya ang dilaw na kulay, nagmukha tuloy siyang ewan.

Sunshine Garcia’s oversized boobs was not only attention-getter but also a scene-stealer. Parang halo-halo fiesta ang kanyang outfit, parang mga hinalukay sa baul na hindi mo malaman kung she was trying to be a Brazilian carnival artist or a circus performer. Trying very hard to be eclectic ang gagah. Over accessorized ang hitad.

All dolled up in pink, Daiana Menezes was trying to get everyone’s attention with her bikini na ang “centerpiece” ay flower. Nakakaloka ang hitad, ayaw paawat kahit obviously ay sagging na ang boobs.

Bangs Garcia’s see-through outfit na covered lang ang kanyang private parts ay isa pang pangit na pangitain sa party na ‘yon. She could have opted to wear another sexy and revealing clothes but she didn’t. Hindi tuloy naging maganda ang kinalabasan.

She looks old in the photo that we saw. Pasado na ang beauty ni Aubrey Miles, she’s sexy naman but she could have left the party to the younger ones.

If it’s any consolation, iyon na raw ang kanyang huling pagrampa sa FHM. Mabuti naman. Now, she has become sensible.

Read more...