Sulat mula Carla ng Capt. Vicente Road Ext., Cagayan de Oro
Problema:
1. Magtatatlong buwan ko palang pong boyfriend si Ronnie nang nagkayayaan sa isang birthday kaming magkaka-barkada. May nag-iinuman doon kaya napainom din kami, pero konti lang ang ininom ko. Kaya lang nang malasing na ang boyfriend kong si Ronnie sinundan nya po ako sa kuwarto habang natutulog at pinilit nya po akong makipagtalik sa kanya. Ayaw ko po talaga kasi hindi pa naman ako sure na siya na ang mapapangasawa ko, kaya lang kahit anong pigil ang gawin ko pinuwersa nya po ako hanggang sa makuha nya ang kanyang gusto. Mula nang mangyari yon hindi ko na siya kinibo at binabati pa dahil galit ako sa kanya. Pero sa kabila nito, patuloy po siyang pumupunta sa bahay, nagmamakaawa at nakikipagbalikan. Sa bagay wala naman siyang ibang girlfriend kundi ako lang kaya patawarin ko na daw siya.
2. Itatanong ko lang po sana kung mahal nya ba talaga ako at kami na kaya ang magkakatuluyan? Kung hindi naman ako makikipagbalikan sa kanya, may iba pa kayang lalaki na darating sa aking buhay at iibig ako ng tapat gayong hindi na ako malinis? Sana malaman kung ano ang aking magiging kapalaran lalo na sa love life at sa panahong ako ay nakapag-asawa na kung magiging maligaya kaya ang papasukin kong pagpapamilya? September 4, 1992 ang birthday ko at January 7, 1991 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Carla ng Cagayan de Oro
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Capricorn naman ang boyfriend mo ang ang nagsasabing tugma at compatible. Ibig sabihin kahit na galit ka pa rin sa kanya sa ginawa sa iyo, sa bandang huli maaayos din ang lahat – magkakabati din kayo.
Numerology:
Ang birth date mong 4 ay nagsasabing bukod sa Astrology tugma din kayo ng boyfriend mo sa Numerology dahil ang birth date nyang 7, ay sadya ngang ka-comopatible ng birth date mong 4. Ibig sabihin kahit na anong galit pa ang nararamdaman mo sa kanya, sa bandang huli, huhupa din ang galit at muling mapapalitan ng pag-ibig.
Huling payo at paalala:
Carla hindi masamang magpatawad lalo na’t ang patatawarin mo naman ay ang lalaking dati mo nang minahal at pinagkalooban ng iyong dalisay na pag-ibig. Ganon pa man, anuman ang gawin mong desisyon, ang takdang kapalaran pa rin naman ang matutupad sa dakong huli – kahit na hinalay at dinahas ka ng iyong boyfriend, hindi na nga matatanggihan pa ang magaganap, kayo pa rin ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang pang habang buhay at maligayang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.