Hinalay ng boyfriend

Sulat mula Carla ng Capt. Vicente Road Ext., Cagayan de Oro
Dear Sir Greenfield,
Magtatatlong buwan ko palang pong boyfriend si Ronnie ng nagkayayaan sa isang birthday kaming magkaka-barkada. May nag-iiuman doon kaya napainom din kami, pero konti lang ang ininom ko. Kaya lang ng malasing na ang boyfriend kong si Ronnie sinundan nya po ako sa kuwarto habang natutulog at pinilit niya po akong makipagtalik sa kanya. Ayaw ko po talaga kasi hindi pa naman ako sure na siya na ang mapapangasawa ko, kaya lang kahit anong pigil ang gawin ko pinuwersa niya po ako hanggang sa makuha niya ang kanyang gusto. Mula ng mangyari iyon hindi ko na siya kinibo at binabati pa dahil galit ako sa kanya. Pero sa kabila nito, patuloy po siyang pumupunta sa bahay, nagmamakaawa at nakikipagbalikan. Sa bagay wala naman siyang ibang girlfriend kundi ako lang kaya patawarin ko na daw siya. Itatanong ko lang po sana kung mahal nya ba talaga ako at kami na kaya ang magkakatuluyan? Kung hindi naman ako makikipagbalikan sa kanya, may iba pa kayang lalaki na darating sa aking buhay at iibig ako ng tapat gayong hindi na ako malinis? Sana malaman kung ano ang aking magiging kapalaran lalo na sa love life at sa panahong ako ay nakapag-asawa na kung magiging maligaya kaya ang papasukin kong pagpapamilya? September 4, 1992 ang birthday ko at January 7, 1991 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Carla ng Cagayan de Oro
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wala namang problema Carla, dahil iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kung sino ang una mong naging boyfriend at minahal ng labis at totoohanan, ang lalaki na ring ito ang iyong makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Four of Spades, Ten of Hearts at Ace of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing matapos kang halayin at pagsamantalahan ng sarili mong boyfriend, sa bandang huli dahil sa patuloy niyang panunuyo at pagmamaka-aawa, tatanggapin mo na uli siya at ang panghahalay sa iyo ay tuluyan na ring mauuwi sa isang maligaya at pang habang buhay na pagmamahalan.
Itutuloy….

Read more...