Sigaw ng matatanda: Kris malaking kahihiyan sa TV at Movie Industry

kris aquino

Kausap namin nu’ng isang araw ang isang grupo ng mga may edad nang kababaihan na katatapos lang dumalo sa isang seminar.

Mabenta si Kris Aquino sa mga ganu’ng edad, parang mga nanay silang nangangaral sa kanilang anak, halos lahat sila’y hindi sang-ayon sa mga pinaggagagawa ng aktres-TV host.

May isa pa ngang nagpakatotoo sa kanyang saloobin, sa mapayapa at marespetong paraan ay sinabihan kami nito, “Bakit kayong mga manunulat, kung tawagin n’yo si Kris, e, aktres-TV host? Sana, TV host na lang, kasi, hindi naman siya aktres na matatawag.

“Para kasing hindi angkop bilang pagpapakilala sa kanya ang ganu’n. Magaling siyang TV host, matalino siya, pero bilang aktres, walang-wala pa siyang napapatunayan.

“Pero kundi kayo maawat sa paggamit ng ganu’ng salita kay Kris, e, puwede kayang gawing constipated actress-TV host na lang ang sabihin n’yo?” nakakalokang suhestiyon ng isang may edad nang babae sa grupo.

Natawa kami habang napapailing, talagang hindi market ni Kris ang mga may edad na, ayaw na ayaw nila sa mga pakyut daw na ginagawa ni Kris at ang mga salitang binibitiwan niya na hindi rin naman niya tinutupad.

“Naku, next year, e, hindi na siya presidential sister. Ordinaryong artista na lang siya. Hindi na siya puwedeng mag-inarte at magpaka-bratty.

May katapusan din ang mga kaartehan niya!” komento naman ng isa pang matanda. Sana raw ay alagaan na lang ni Kris Aquino ang kanyang mga anak sa pagitan ng kanyang pagho-host.

Huwag na lang daw siyang umarte dahil isang malaking kahihiyan para sa industriya ng pelikula at telebisyon ang mga ipinakikita niya sa harap ng mga camera.

“Saka magkaroon naman sana siya ng tact. Sayang, nasabihan pa siyang matalino kung hindi naman siya tactful. Wala na siyang credibility dahil she will say something and do another thing,” halos pakorus na komento ng mga may edad nang kababaihan.

Ay, hindi talaga market ni Kris Aquino ang mga wrangler, pramis!

Read more...