Baron Geisler bagong kontrabida sa Nathaniel

baron geisler

Tiyak na mas kakapit pa ang mga manonood sa Primetime Bida series na Nathaniel starring Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Marco Masa, Coney Reyes at Isabelle Daza.

Ngayong linggo, magsisimula nang magbago ang buhay ni Beth (Pokwang) dahil kailangan na niyang ipaubaya ang pangangalaga sa anak-anakang si Hannah (Sharlene San Pedro) sa tunay na ina nitong si AVL (Coney).

Makaya kaya ni Beth ang pangungulila sa kanyang anak? Maging maligaya na kaya si Hannah ngayong natagpuan na niya ang kanyang tunay na nanay? O baka malagay lang sa peligro ang kanyang buhay dahil sa kasamaan ng kanyang ina at sa mga kinasasangkutang kaso ng kanyang kuya (Gerald)?

Sa teaser ng Nathaniel, magbabagong-anyo naman ang “tagasundo” na si Leo Martinez – sa mga susunod na episode, mapapanood siya bilang si Baron Geisler.

Siya ang bagong makakasama ni AVL sa mga masasamang plano nito. Mapapanood pa rin ang Nathaniel sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol.

Read more...