ANG mga justices ng Korte Suprema ngayon ay sensitibo sa mga sentimyento ng taumbayan di gaya noong mga nagdaang panahon, ayon sa ilang insiders.
Ang pruweba diyan ay ine-enganyo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang publiko na isumbong ang mga bulok at abusadong hukom, sabi ng
aking sources.
Binibigyan ng atensyon ni Sereno sa mga ulat tungkol sa mga pagmama-labis ng ilang hukom, dagdag pa ng aking sources.
Ang balitang ito ay parang masarap na simoy ng hangin.
Akala kasi ng karamihan ay hindi binibigyan ng kaukulang pansin ng Korte Suprema ang pang-aabuso ng ilang mga hukom.
Ang totoo niyan, ang mga mamamayan na na-ging biktima ng pagmama-labis ng isang judge ay pwedeng dumulog ng sumbong sa Office of the Court Administrator.
Ang nasabing opisina, na nag-iimbestiga ng mga hukom na inirereklamo, ay nasa gusali ng Supreme Court sa Padre Faura, Maynila.
Ang mga miyembro ng Office of the Court Administrator ay pawang mga batam-batang abogado at idealistic. Sila’y mga graduates ng Ivy League law schools.
Ang court administrator at ang deputy court administrator ay may ranggo na kapantay ng justice ng Court of Appeals.
Aanga-anga itong Pasig City Assistant Prosecutor Fatima Manguiat-Ngaosi sa paghawak ng kasong child abuse.
Parang wala siyang psychology subject noong college siya.
Binalewala ni Ngaosi ang psychological damage na ginawa ng isang 43-anyos na lalaki sa isang 8-taong gulang na bata.
Sinaktan ni Alejo Tagsim, isang siga-siga sa Barangay Pinagkaisahan, Pasig , ang bata dahil nai-ngayan siya at ang kanyang barkada sa bata habang ito’y naglalaro.
Nakikipag-inuman kasi si Tagsim sa kanyang mga barkada.
Pinukol ni Tagsim ang bata ng isang basong walang laman. Tumama ito sa mukha ng bata.
Nagkapeklat ang mukha ng bata dahil sa tinamong sugat.
Hindi lang physical damage ang ginawa ni Tagsim sa bata, nagkaroon ito ng psychological damage o trauma.
Sinabi sa akin ng ina ng biktima na naging mainitin na ang ulo ng kanyang anak, umiihi sa higaan at nagigising sa gabi at sumisigaw.
Ang bata ay isinailalim sa professional counselling.
Alam ba ninyo ang sinampang kaso ng estupidang piskal kay Tagsim?
Slight physical injuries sa halip na child abuse!
Ang kasong child abuse ay may parusang anim hanggang 12 taong pagkabilanggo, samantalang ang kasong slight physical injuries ay pinaparusahan lamang ng isang buwang pagkakakulong.
Baka hindi alam ni Ngaosi ang definition ng child abuse!
Ayon sa batas, child abuse is defined as psychological and physical abuse, neglect, cruelty, sexual abuse and emotional maltreatment.
Lahat ng elemento ng child abuse—maliban sa neglect o pagpapabaya at sexual abuse—ay nandoon nang batuhin ng baso at tamaan ni Tagsim sa mukha ang bata.
Bakit slight physical injuries lang at hindi child abuse ang isinampa ni Piskal Ngaosi kay Tagsim?
Isa sa dalawang dahilan lang kung bakit—mahina ang ulo ni Ngaosi o siya’y nalagyan ng suhol ni Tagsim.
Ganoon din ang masasabi sa boss ni Ngaosi na si Pasig City Chief Prosecutor Jacinto Ng.
Sa kabutihang-palad, sasampahan pa rin ng child abuse case si Tagsim sa utos ni Prosecutor-General Claro Arellano.
Si Arellano ang boss-chief ng lahat ng mga piskal sa buong bansa.
Inilapit ng programang “Isumbong mo kay Tulfo” ang reklamo ng ina ng bata kay Arellano.
Dumulog sa aking tanggapan ang ina ng bata at dali-dali naming dinala ang mag-ina kay PG Arellano na ang tanggapan ay sa Department of Justice sa Padre Faura, Maynila.