Eric Quizon hiniling na ipagdasal ang kaluluwa ni Pidol

eric quizon

TATLONG taon na pala ang nakakalipas mula nang mamaalam ang King of Comedy na si Mang Dolphy.
Kahapon, July 10, ang third death anniversary ng Comedy King – kasabay nito hiniling ng pamilya ni Pidol sa madlang pipol na ipagdasal pa rin ang kaluluwa ng  komedyante kahit na three years na itong patay.

Mismong ang anak ni Mang Dolphy na si Eric Quizon ang nakiusap sa mga kaibigan, kakilala at mga loyal supporters ng kanyang ama na maglaan ng ilang segundo para ipagdasal ang kaluluwa ng Comedy King.

“Let us offer a simple prayer to the one and only King of Philippine Comedy. It has been 3 years,” ang post ni Eric sa kanyang Instagram account.

Hindi naman nabigo ang aktor-direktor sa kanyang wish dahil napakaraming nagdasal para sa kanyang ama. Kung matatandaan, pumanaw si Mang Dolphy sa edad na 83 noong July 10, 2012 dahil sa chronic obstructive pulmonary disease.

Read more...