Iskolar ni Boy sa UP nagtapos na magna cum laude

boy abunda

Nagulat ang King of Talk na si Boy Abunda when we mentioned to him na siya pala ang nagregalo ng wedding gown ni Toni Gonzaga.

Isa si Kuya Boy sa mga principal sponsors sa wedding nina Toni and Direk Paul Soriano. Tulad ni Vice Ganda, isa rin su Kuya Boy sa mga natitirang super generous sa showbiz.

Ayaw nga sana niyang ipasulat ‘yung tungkol sa wedding gown ni Toni. Pero sabi namin, galing mismo kay Toni ang information na siya ang nagbayad ng Vera Wang wedding gown niya.

At para kay Kuya Boy, maganda naman daw ‘yung iniintrigang Vera Wang na wedding gown ni Toni.
Proud naman na ibinigay sa amin ni Kuya Boy nu’ng kunin na-ming ang name ng iskolar na pinagtapos niya sa kolehiyo kamakailan.

His name is Cris Reven Gibaga na unang nakilala ng TV host during his Homeboy show sa ABS-CBN noon. Nagtapos si Cris ng Geology sa UP Diliman bilang magna cum laude.

Ayon kay Kuya Boy, wala pa raw guma-graduate ng Geology course sa UP na summa cum laude. Isa lang si Cris sa maraming scholars ni Kuya Boy. But he’d rather not talk about it.

Read more...