Mabubuntis na ba ang ka live-in? (2)

Sulat mula kay Archie ng San Antonio,  Lubao, Pampanga
Problema:

1. May ka live in partner po ako sa ngayon at magdadalawang taon na ang aming relasyon. Ang labis ko lang pong ipinagtataka ay kung bakit until now hindi pa rin siya na bubuntis gayong panay-panay naman ang aming pagtataliik. Ang pangako ko kasi sa kanya kapag nabuntis na siya ay magpapakasal na kami. Kailan kaya siya mabubuntis?
2. At itatanong ko na rin po sana kung compatible kaya kami at kami na kaya ang magkakatuluyan at kapag kami ang nagka-tuluyan magkakaroon kaya kami ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya? February 28, 1979 ang birthday ko at July 7, 1985 naman ang live in partner ko.
Umaasa,
Archie ng Lubao,  Pampanga
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) at Cancer naman ang live in partner mo ay nagsasabing compatible at tugma kayo, dahil kapwa kayo pinaghaharian ng elementong water. Ibig sabihin habang patuloy kayong nagmamahalan at nagsasama, habang buhay na rin kayong uunlad at liligaya.
Numerology:
Ang birth date mong 28 at 7 naman ang live in partner mo ay nagsasabing sa sandaling nabuntis mo na siya at nakasal na kayong dalawa, tulad ng ipinapangako mo sa kanya, pagkatapos na pagkatapos ninyong makasal, mas maraming positibo at magagandang kapalaran ang kusang darating sa inyong pamilya.
Graphology:
Upang mas mada-ling mabuntis ang ka-live in partner mo, bukod sa berde at dilaw, mas mainam ding lagi kayong gumamit ng kulay na pula. Sa ganyang paraan, pagamit ng mapalad na kulay mas mabilis na mahihinog ang punlay sa sinapupunan ni misis, hanggang sa tuloy-tuloy na siyang mabuntis sa takdang panahong inilaan nbg kapalaran.
Huling payo at paalala:
Archie ayon sa iyong kapalaran, kayo na ng kasalukuyang mong ka-live in ang magkakatuluyan at magsasama habang buhay, kung saan, saktong-sakto sa susunod na taong 2016 mabubuntis ang ka-live in partner mo upang pagsapit ng 2017, sa edad mong 38 at 32 naman siya, isisilang ang isang cute at matalinong baby boy na kukumpleto sa inyong pagsasama, at lalo pang magdadagdag ng paniobagong tamis at ligaya sa inyong bubuuing pamilya.

Read more...