THROUGH Vice Ganda’s invitation, pinanood namin siya sa 14th anniversary ng Laffline comedy bar last Saturday. As usual, punung-puno ang venue at maging sa labas ay may mga nakapila pa.
Thanks to Vice’s trusted friends sa Laffline na sina Orli Domingo and Kitty Montecarlo for the VIP treatment they have accorded us.
During his performance with other hosts, pumanchline si Vice tungkol sa share niya sa controversial na club na Valkyrie. Sabi ni Vice, namomroblema raw siya kung paano niya kukunin ang kanyang share sa naturang establishment.
Prior to his show sa Laffline, nagbakasyon ng ilang araw sa Hongkong ang comedian. Pati ang pagpunta niya sa Hongkong ay nilagyan ng intriga na diumano’y pinag-shopping niya doon nang bonggang-bongga ang kanyang boyfriend.
Pero ayon sa aming source, ang buong pamilya raw ni Vice ang kasama niyang nagpunta sa Hongkong. Treat daw niya ‘yun for his family especially sa kanyang ina na nakatakda nang bumalik sa US.
Sa Amerika na kasi naka-base ang ina ni Vice kasama ang kapatid niyang doktor. Hindi ba’t super emote noon si Vice sa It’s Showtime na na-guilty siya dahil hindi niya mabigyan ng panahon ang kanyang ina na nandito sa bansa that time.
Kaya naman ginawan talaga ng paraan ni Vice na magkasama sila ng kanyang ina kahit ilang araw bago bumalik ng Amerika ang kanyang madir.
Kung si Vice ang masusunod, mas gusto niya na manatili na lamang sa Pinas ang kanyang ina para magkasama sila. Baka ang ina na lang ni Vice ang hinihintay niyang sign para umpisa nang itayo ang kanyang dream house sa kanyang property.
May mga pag-aalala pala si Vice na huwag doon itayo ang kanyang dreamhouse dahil sakop ng fault line ang lupang binili niya.
Sayang nga naman kung itatayo doon ang bonggacious na house niya kung kakainin lang naman ng lupa, ‘di ba?
That’s the reason kung bakit undecided pa si Vice on what to do sa kanyang property sa Greenmeadows. Sa ngayon, nakatira si Vice sa isang townhouse malapit sa ABS-CBN.
Ipinamigay na kasi niya ang mga bahay at condo niya sa kanyang mga kapatid. Actually, hindi lang naman bahay at condo ang ibinibigay niya sa kanyang mga sisterakas, e.
Pati mamahaling kotse, gadgets, outfits, etcetera, etcetera. Ganyan ka-generous si Vice sa kanyang pamilya. Kahit sa mga kaibigang beki ni Vice, balitang-balita ang kanyang pagiging generous.
Kaya hindi kataka-taka kung ipag-shopping man niya nang bonggang-bongga ang boyfriend niya.
Pati sa mga taong tumulong sa kanya marunong mag-give back si Vice gaya na lang nu’ng mag-perform siya sa anniversary ng Laffline for three consecutive nights for free.