Umabot na sa P100 million mark ang kinita ng “The Breakup Playlist” nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual under Star Cinema.
Sa loob lang daw ng isang linggo, kumita na ng mahigit P100 million ang nasabing pelikula, ayon mismo sa Star Cinema.
Ang “The Breakup Playlist” ay idinirek ni Dan Villegas at nakatakda ring ipalabas sa iba’t ibang bansa, kabilang na ang Hongkong, Canada at Amerika.
Samantala, pinatunayan naman nina Sarah at Matteo Guidicelli na very much together pa rin sila when they watched “The Breakup Playlist” together.
Nakunan pa ngang very sweet ang dalawa habang nasa escalator.
MOST READ
LATEST STORIES