Ayon kay Edre Olalia, isa sa mga abogado ni Veloso, umabot lamang ang pagbisita ni Pacquiao kay Veloso nang isang oras, mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-9:30 ng umaga.
Matatandaang pansamantalang pinigil ang pagbitay kay Veloso na napatunayang nagkasala sa kasong drug trafficking at nasintensyahan ng kamatayan. Kasalukuyan siyang nakapiit sa Yogyakarta.
Kasama ni Pacquiao sa pagbisita ang asawang si Jinkee, mga opisyal ng embahada ng Pilipinas, at mga abogado at prosekutor ng Indonesia.
Nasa 20 katao ang nasa grupo, kabilang ang mga opisyal ng herbal medicine company na nagdala kay Pacquiao sa Indonesia para gumawa ng commercial.
“MJ reportedly gave him a craft she made which he wore at once,” ani Olalia. Hindi naman sinabi sa ulat kung ano ang iniregalo kay Pacquiao.
Binigyan din ang boxing champ ng telang batik ng grupong Migrante bilang pasasalamat.
“Press briefing (was) cancelled because it was mayhem as press, spectators and police were competing for space,” dagdag ni Olalia.
Sinabi kamakailan ni Pacquiao na maliban kay Veloso nais din niyang makausap si President Jokowi Widodo sa kanyang pagdalaw sa Indonesia.
Nasa Indonesia si Pacquiao upang gumawa ng commercial para sa energy drink ng kumpanyang PT Sido Muncul.
Pacman, Veloso nagharap sa kulungan
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...